Cauayan City, Isabela- Isinailalim na sa Inquest Proceedings ang isang babaeng Business Supervisor matapos manuhol at magpanggap na nadukutan sa mga pulis ngayong araw, Abril bente tres, taong dos mil disi otso.
Kinilala ang suspek na si Jeanette Castaṅeda, trentay uno anyos, may-asawa, business Supervisor ng isang kompanya at residente ng Kensington Subdivision, Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Police Chief Inspector Jane Abegail Bautista ng PNP Cauayan City Administration, na nagsagawa ng unang imbestigasyon ang kapulisan matapos magreport sa kanilang himpilan si Castaṅeda na nadukutan umano ito ng halagang mahigit apat na raang libong piso subalit nang makumpirma ng mga pulis na walang naganap na holdap ay umamin din si Castaṅeda na wala itong katotohan bagkus ay nadispalko ang naturang pera.
Nang malaman ng mga pulis ang modus ni Castaṅeda ay namimigay umano ito sa mga pulis ng mahigit kumulang dalawang daang libong piso upang palabasin na dinukutan ito at upang hindi magkaroon ng kaso.
Dahil dito ay agad na dinakip si Castaṅeda at mapapatawan ng kasong Bribery at Pagnanakaw.