Businessman, Huli sa kasong Estafa!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang negosyante na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Cortez St., Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Alvin Abalajen, 40 anyos, may asawa at residente ng Quezon City, Metro Manila.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Abalajen sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong Estafa.


Nasa kustodiya na ng PNP Cauayan City ang suspek at Pansamantala itong makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang isangdaan at dalawampung libong piso (120,000.00).

Facebook Comments