Businessman na si Michael Yang, malaki ang impluwensiya kay Pangulong Duterte dahil sa pagbili ng medical supplies

Malinaw na ang pagkakaroon ng impluwensiya ni businessman na si Michael Yang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagpabor ng pangulo sa kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation para mag-supply ng medical supplies sa gobyerno.

Ayon kay Senator Richard Gordon na siyang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, malaki ang ang impluwensiya ni Yang sa pangulo bilang presidential adviser nito.

Maituturing kasi aniyang kataka-taka kung ang Pharmally na maliit na kompanya ang nakakuha ng bilyon-bilyong kontra sa gobyerno.


Naniniwala naman ang senador na ilang beses nang nagsinungaling sa pagdinig ng Senado si Yang pero sa kabila nito ay tiniyak ni Gordon na wala naman siyang balak na ipaaresto ito.

Sa ngayon, lumalabas sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na walang naging overpricing sa pagbili ng medical supplies ng gobyerno.

Facebook Comments