BUSY PERSON | Paolo Avelino, inaming nais munang magpahinga sa paggagawa ng pelikula

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang aktor na si Paulo Avelino na minsan ay naiisip daw niyang magpahinga sa mga proyektong inaaalok sa kaniya patikular sa paggawa ng pelikula.

Say ni Paolo, dumadating daw kasi sa punto na nare-realize niya na nakakapagod daw talaga ang kabi-kabilang project kung saan hirap daw siya dahil hindi niya nagagawa ang mga gusto niyang gawin sa buhay.

Pero kung mabibigyan daw ng pagkakataon, mas gugustuhin daw niya na gumawa ng sarili niyang pelikula na siya mismo ang masusunod.


Sa ngayon, matapos ang gumawa ng pelikula magiging busy naman si Paulo sa upcoming teleserye sa Kapamilya network kasama si Angel Locsin.

Facebook Comments