BUSY SCHEDULE | Pangulong Duterte, inaasahang dadalo ng mga mahahalagang pulong abroad pagkatapos ng Semana Santa

Manila, Philippines – Inaasahang dadalo sa mga mahahalagang pulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng bansa pagkatapos ng mahal na araw.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gugunitain ng Pangulo ang mahal na araw kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang tahanan sa Davao City.

Sinabi rin ni Roque, sa bahay lang din magdidiwang ang Pangulong Duterte ng kanyang ika-73 taong kaarawan sa Marso 28.


Sa Abril, ang Pangulo ay haharap sa Annual Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Pagkatapos nito, posibleng tumungo ang Pangulo sa Hong Kong bago dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore sa Mayo.

Facebook Comments