Butas sa sistema sa pagproseso ng passport, nasilip ni DFA Secretary Cayetano

Manila, Philippines – Sa ikalawang pagbisita ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa DFA Passport Division, nasilip nito kanina ang problema sa pagproseso ng passport.

Ayon kay Cayetano, nakita niya na kailangan ng reporma sa sistema sa pagproseso ng passport.

Sinabi ng kalihim na napansin niya na mas nabibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng passport ang walk-in applicants kaysa sa mga nagpa-schedule sa online.


Suportado naman ni Cayetano ang pagsusulong na gawin nang sampung taon ang expiration ng Philippine passport.
DZXL558

Facebook Comments