Kumpiyansa ang Department of Public Works and Highways na ang construction ng 7.55-kilometer Banza-Magallanes road sa Agusan Del Norte ay matatapos sa taong 2022.
Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, ang 7.55-kilometer road project na nagkakahalaga ng P1.55-billion na ipatutupad naman ng DPWH Regional Office 13 sa pamamagitan ng convergence project ng Department of Tourism na magkokonekta sa municipalidad ng Magallanes at Cabadbaran City patungong Butuan City, Agusan Del Norte.
Simula aniya noong 2015, ang DPWH ay nakapagpagawa na ng 4.88-kilometer na kongkretong espalto na may haba na 1.28-kilometer na kalsada habang ang pagkumpuni naman ng 2.46-kilometer road at 0.35-kilometer gravel road ay kasalukuyan pang nagpapatuloy kabilang na ang pagpapatayo ng dalawang tulay sa kahabaan ng Banza-Magallanes road, ang buhang bridge at Banza Bridge II.
Paliwanag ng kalihim na ang bagong kalsada na bubuksan ay nakadesenyo para sa turismo na pinondohan ng multi year allocation program ay mapabilis ang pagbiyahe na umaabot lamang sa isang oras at 15 minuto mula sa bayan ng Magallanes papuntang Butuan City via daang Maharlika at vice versa.