BUWAG | Drug den sa Cotabato City, sinalakay ng PDEA

Cotobato City – Arestado ang isang drug den operator matapos na salakayin ng pinagsanib na puwersa ng mga PDEA Agents at puwersa ng Cotabato Community Police Station 4 ang drug den sa Barangay Bagua Mother, Cotabato City.

Kinilala ang arestado na si Jose Voltaire Dela Cruz Nogra at pitong iba pa.

Nakatakas naman ang target ng operasyon na sina Tata Bai Biruar alyas Tata Bai Ampatuan Biruar, at Bogs Biruar.


Nakumpiska sa operasyon ang hindi pa matiyak na dami ng sachet ng shabu, ibat-ibang drug paraphernalia, ibat-ibang kalibre ng baril at mga cellular phones.

Sumailalim din sa ilang buwang surveillance ang lugar matapos makatanggap ng tip sa mga kapitbahay kaugnay ng pagiging pugad ng droga ng bahay.

Facebook Comments