Buwan nang Abril sa susunod na taon mararanasan ang matinding tagtuyot ayon sa DOST

Mararanasan sa buwan ng Abril at hindi sa buwan ng Mayo sa susunod na taon ang matinding tagtuyot o drought.

Ito ay batay sa update ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malacañang.

Kamakailan ay una nang inanunsyo ng DOST, na buwan ng Mayo next year makakaranas ng matinding tagtuyot o drought.


Ayon sa kalihim, may pagbabago batay sa kanilang monitoring, mararanasan aniya ang el nino sa una at ikalawang quarter ng taong 2024 pero buwan ng Abril ang drought o tagtuyot.

Aabot sa 63 mga lalawigan ayon kay Solidum, ang makakaranas ng drought sa Abril habang 12 lalawigan naman ang mararanasan ang dry spell conditions.

Facebook Comments