Buwan ng Hulyo, idineklara ni Pangulong Duterte bilang “National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month”

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng Hulyo kada taon bilang National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month.”

Layon nito na palakasin ang kamalayan ng publiko laban sa human trafficking, itanim ang social consciousness at magpagalaw ng mas maraming adbokasiya lalo na mula sa mga vulnerable communities.

Sa ilalim ng Proclamation No. 124, inatasan ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na gumawa ng mga programa para mapigilan ang human trafficking at magkasa ng information drive ukol dito.


As of March 2021, aabot na sa 1,608 ang nabiktima ng human trafficking sa Pilipinas.

Facebook Comments