Buwan ng Oktubre, idineklarang Communications Month ni PBBM

Bilang pagkilala sa mahalagang role o tungkulin ng komunikasyon at impormasyon sa bansa.

Nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 308 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ito ay nagdedeklara na ang buwan ng Oktubre ay buwan ng komunikasyon at anibersaryo rin ng Presidential Communications Office (PCO).


Naniniwala ang pangulo na mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyon para makapagpaabot ng impormasyon sa publiko at upang mas mapagyabong ang industriya ng media sa pagbibigay ng impormasyon.

Dagdag pa ng pangulo, layunin ng administrasyong ito na magbigay ng totoo, tama at napapanahong impormasyon patungkol sa mga polisiya, priority programs, proyekto na makakatulong sa mamayan sa pamamagitan ng media.

Kaya naman inatasan ng pangulo ang PCO na magsagawa ng programa, proyekto at aktibidad para sa taunang selebrasyon ng Communications Month tuwing Oktubre.

Facebook Comments