Buwan ng Ramadan, opisyal nang gugunitain ng mga kapatid nating Muslim, bukas

Manila, Philippines – Sisimulan na bukas (May 27) ang paggunita ng banal na buwan ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim.

Ang Ramadan ay isa sa limang haligi ng Islam at pinakamalahagang obligasyon ng mga Muslim.

Ayon kay Markaz Dar Attazkiyah Director Alnajib Maujon – magtatagal ang Ramadan ng 30 araw.


Ipinapanalangin din nila na maresolba na sa lalong madaling panahon ang nangyayaring gulo sa Marawi City.

Sinabi naman ni Abunuayn Salih ng Federation of Muslim Students Association – isinusulong ng mananampalataya ng Islam ang kapayapaan kaya umaasa silang magkaisa ang lahat ng Pilipino – Muslim man o Kristiyano para mapanatiling buhay ang bayanihan at pagmamahal sa kapwa.

Samantala, nanawagan na rin ng kapayapaan ang ilang Muslim leaders sa buong bansa.

DZXL558

Facebook Comments