Buwanang subscription sa antivirus software ng PhilHealth, pinuna ng isang Kongresista

Ikinadismaya ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes na one-month subscription sa antivirus software lang meron ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Punto ni Reyes, bakit palang trial version lang ang subscription ng anti-virus software na hinayaang mag-expire kaya hindi nito nakamit ang kailangang data protection.

Tinuligsa din ni Reyes na isinisisi pa ng PhilHealth sa government procurement guidelines ang kabiguan nito na mai-update ang sariling antivirus systems.


Diin ni Reyes, napigilan sana ang hacking o data leak sa PhilHealth kung mas naging prayoridad nito ang pagpapalakas sa cybersecurity measures sa halip na inuna ang hindi makatwiran at labis na pagtataas sa sweldo ng mga opisyal nito.

Paalala ni Reyes, ang mandato ng PhilHealth ay pansegurong solusyon sa problemang pangkalusugan at hindi ang magbigay ng problema sa bayan o sa mamamayan.

Facebook Comments