Buwanang subsidiya sa mga indigent PWDs, itinutulak sa Kamara

Isinusulong sa Kamara na mabigyan ng buwanang subsidiya ang mga indigent persons with disability (PWDs).

Sa House Bill 1754 na inihain ng ACT-CIS Partylist, binibigyang mandato ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ang mga eligible na mahihirap na PWDs ng ₱1,000 na buwanang subsidiya bilang pandagdag sa kanilang mga panggastos at pang araw-araw na pangangailangan.

Nakapaloob naman sa panukala ang mga parusang posibleng kaharapin kapag inabuso ang programa lalo na iyong hindi naman ‘eligible’ na tumanggap ng financial aid.


Ang DSWD katuwang ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ang siyang magbeberipika at magsesertipika ng mga indigent PWDs na eligible para makatanggap ng buwanang tulong pinansyal.

Tinukoy sa panukala na ang mga PWD ay nananatiling “disadvantage” sa maraming aspeto ng lipunan dahil bukod sa ‘physical disabilities’ na kanilang kinakaharap, mayroon din silang pinansyal na kakulangan para suportahan ang kanilang araw-araw na buhay lalo na ang mahal na gamutan.

Facebook Comments