Manila, Philippines – Hindi ipapasagot ng Presidential Electoral Tribunal kina dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo ang upa ng COMELEC sa kanilang warehouse kung saan nakalagak ang mga vote counting machine o VCM.
Sa resolusyon ng PET, tinukoy na hindi ibabawas sa cash deposits nina Marcos at Robredo ang 5.6 million pesos na halaga ng upa ng COMELEC sa kanilang warehouse.
Ayon sa PET, hindi naman kasi kasama ang nasabing gastusin sa retrieval at sa pag-transport ng ballot boxes patungo ng Supreme Court compound kung saan gagawin ang manual recount sa mga balota.
Nilinaw ng Presidential Electoral Tribunal na ang cash deposit nina Marcos at Robredo ay gagamitin lamang sa gastusin sa paghahatid ng mga balota sa Tribunal at sa kompensasyon ng mga miyembro ng revision committee.