General Santos City—binalaan ni Atty. Armand Clarin, City legal council ng Gensan ang mga City traffic Enforcer na itigil na ang pangungutong sa mga motorista matapos nakarating ang iilang mga reklamo sa kanyang tanggapan tungkol sa sinasabing pangungutong ng iilang mga traffic Enforcer.
Sinabi ni Atty. Clarin na hindi i- tolerate ng gobyerno ng lunsod ang ginagawang iligal ng mga Enforcer. Dagdag pa nito na hindi mag-atubili ang LGU Gensan na tanggalin sa kanilang trabaho ang sino mang Traffic Enforcer na mahuling nangongotong.
Nanawagan din si Atty. Clarin sa mga motorista lalo na sa mga tricycle operator na agad isumbong sa kanyang tanggapan kung mayroong nangutong sa kanila para agad na mabigyan ng kaokolang aksyon.
Facebook Comments