Saudi Arabia – Pinag-iisipan na ng Saudi Arabia at United Arab Emirates na patawan ng limang porsyentong Value Added Tax ang lahat ng kanilang goods at services.
Ito ay matapos na mag-collapse ang presyo ng langis sa Middle East, tatlong taon na ang nakakalipas.
Kabilang sa mga papatawan ng 5% vat ay ang mga sumusunod: pagkain, clothes, electronics at gasolina serbisyo sa telepono, water at electricity bills, maging ang hotel reservations.
Pero hindi kabilang dito ang renta sa bahay, real estate sales, medications, airline tickets at school tuition.
Kapag natuloy ito, magiging malaking dagok ito para sa mga Overseas Filipino Worker na nagta-trabaho ngayon doon.
Sa ngayon ay nasa 406,089 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na nasa Saudi Arabia habang sinundan naman ito ng United Arab Emirates.