BUWIS | Anim na bilyong pisong excise tax, nakolekta ng BIR sa mga matatamis na inumin nitong unang kwarter ng 2018

Manila, Philippines – Papalo sa anim na bilyong pisong halaga ng excise tax ang nakolekta ng gobyerno mula sa sugar sweetened beverages.

Sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong first quarter ng 2018 (Enero – Marso), dahil sa nakolektang buwis sa mga matatamis na inumin, tumaas ang kanilang koleksyon na aabot sa 422.59 billion pesos kumpara sa higit 360 bilyong piso sa kaparehas na panahon nitong 2017.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, pinakalas nito ang collection system ng kawanihan.


Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang mga inuming gumagamit ng caloric at non-caloric sweeteners ay papatawan ng tax rate na anim na piso kada litro habang ang mga inuming may high fructose corn syrup ay bubuwisan ng 12 piso kada litro.
Sa ngayon, nasa approval process pa ang implementing rules and regulations tungkol sa pagpapataw ng buwis sa mga matatamis na inumin.

Facebook Comments