Buwis na hindi nakukulekta mula sa mga produktong pumapasok sa bansa, umaabo na sa 160-B

Ikinaalarma ni Senator Panfilo Ping Lacson na 160-billion pesos na ang buwis na hindi nakukulekta ng pamahalaan mula sa iba’t ibang mga imported na produkto na pumapasok sa bansa noong 2017.

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng Department of Finance (DOF)para sa susunod na taon ay ibinunyag ito ni Lacson base sa datos buhat sa World Integrated Trade Solution ng World Bank na nagsasaad sa halaga ng mga produktong ini-export dito sa Pilipinas mula sa America, China, South Korea , at Hongkong.

Tugon naman ng Department of Finance, gumagawa na sila ng paraan para makulekta ang tamang buwis sa mga pumapasok na produkto buhat sa ibang bansa.


Ipinaliwanag din ng DOF na kaya hindi nagtutugma ang deklarasyon ng exports ng China kumpara sa naitatalang imports dito sa Pilipinas ay dahil sa magkaibang sistema.

Ayon sa DOF, isinasama s deklarasyon ng exports ng China na patungo sa Pilipinas ang mga kalakal na makikiraan lang at hindi naman papasok sa ating bansa.

Sinisi din ito ng dof sa mga butas sa ating tax laws.

Kaugnay nito ay iginiit ni Lacson ang kahalagahan na maging automated na ang sistema sa Bureau Of Customs kung saan mawa wala na ang human intervention.

Facebook Comments