Aabot pa lamang sa P32 bilyon ang nakokolektang buwis sa sigarilyo.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, natanong ni Ways and Means Vice Chairman at AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lagay ng tax collection para sa produktong sigarilyo.
Batay sa tala ng BIR, bumagsak sa P32 bilyon ang koleksyon ng kita ng ahensya sa mga cigarette products mula Enero hanggang Hunyo.
Malayo ito sa P124 bilyon na revenue noong 2018 at P132 bilyon na koleksyon noong 2019.
Paliwanag naman ni BIR Director Beverly Milo, nagsara ang mga manufacturer ng sigarilyo matapos na matigil ang mga trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic dahilan ng pagbagsak ng revenue.
Nitong Hunyo lamang muling nagbukas ang mga manufacturer ng sigarilyo at nakapagsimula ulit ng kanilang produksyon.