Buwis ng social media platforms at digital transactions, hahabulin!

Nilinaw ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi maliliit na negosyante ang target ng panukalang batas na layong patawan ng Value-Added Tax (VAT) o buwis ang digital transactions sa Pilipinas.

Ang reaksyon ng mambabatas ay kasunod ng pagpalag ng ilang online sellers matapos na makalusot sa House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Salceda ang substitute bill na nagpapataw ng VAT sa sinumang indibidwal o negosyong magkakaroonn ng digital o electronic in nature na transaksyon.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Salceda na nakatuon ang panukalang batas sa paghabol sa mga social media platforms na milyon o bilyon ang kinikita ngunit nakakatakas sa pagbabayad buwis.


Sa ilalim ng panukala, maaaring buwisan ang mga tinatawag na digital service o anumang serbisyo na ibinibigay o sinu-subscribe-an sa internet o iba pang electronic network, maging ang webcasts, webinars at digital content gaya ng music, files, images, test at information.

Kasama rin dito ang online licensing ng software, updates, add-ons, website filters, at firewalls, gayundin ang mobile applications, video games at online games.

Sakop din nito ang online advertisement platforms, electronic marketplaces, website hosting, newspapers at journal subscription at payment processing services.

Sakaling maisabatas ito, sinabi ni Salceda na posibleng makalikha ito ng dagdag na P10.66 bilyon sa kaban ng bayan.

Facebook Comments