Buwis para sa POGO, tinaasan sa ilalim ng Bayanihan 2

Mas mahigpit na patakaran kaugnay sa pagbabayad ng buwis ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ang iiral sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ito ay para matiyak na magbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon ang mga POGO companies kung saan agad na ipapasara ang hindi makakasunod.

Ayon kay Drilon, ito ay dahil ang koleksyon mula sa POGO ay kasamang ipangpopondo sa COVID-19 stimulus measures.


“May authorithy ang BIR to close the POGO.”
“Tinaasan namin ang computation ng buwis para sa POGO.”
“Franchise tax, binago na natin pero ang proceeds nito ay gagamitin para sa COVID-19 response at pagkatapos ng pandemic, ito ay pupunta na sa general fund” pahayag ni Senator Drilon.

Facebook Comments