Buwis sa cosmetic surgery, ibinaba

Manila, Philippines – Mula sa dating 20 percent ay ibinaba ng mga senador sa 10 percent ang ipinapataw na buwis sa cosmetic surgery o sa pagpapaayos ng mukha at iba pang parte ng katawan.

Resulta ito ng mahabang debate ng mga senador sa TRAIN o tax reform for acceleration and inclusion.

Una ng pinatanggal sa tax reform bill ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang vanity tax o cosmetic surgery tax pero tinutulan ito ni Drilon.


Katwiran ni Drilon, kung ang produktong petrolyo ay tataasan ng buwis na tiyak makaapekto sa mga mahihirap na Pilipino ay bakit hindi ang cosmetic surgery na ang suki ay may mga pera naman o kakayahang magbayad ng malaki.

Facebook Comments