Pinatataasan ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes ang ang buwis na ipinapataw sa e-cigarettes at vape products para maidagdag sa pondong nakalaan sa implementasyon ng Universal Health Care Law.
Ayon kay Reyes, tugon din ito sa nakaalarmang impormasyon na ang Pilipinas ay nangunguna sa mga bansa sa Southeast Asia kung saan tumataas ang bilang ng mga kabataan na tumatangkilik sa e-cigarettes o vape na lubhang masama sa kalusugan.
Tinukoy ni Reyes ang ang pag-aaral ng Global Youth Tobacco Survey noong 2019 na nagpapakitang 14.1 percent ng school-aged children ang gumagamit na ng e-cigarettes o kaya ay vape.
Binanggit ni Reyes na kanila ding pinag-aaralan ang panukalang itaas ang minimum age o edad ng mga maaaring gumamit o bumili ng vape products.
Giit ni Reyes, kailangang protektahan natin ang ating mga kabataan mula sa pinasalang maaaring idulot ng nabanggit na mga produkto.