MANILA – Iminungkahi ng Department of Finance na taasan ang Value Added Tax (VAT) sa service fee ng mga money remittance center sa bansa.Ito ang nilalaman ng house bill 4474 o tax reform package.Mula sa sampung porsyento ng buwis sa service fee ng mga money remittance ay gagawin itong labing dalawang porsyento.Nakapaloob ito sa tax reform package na nagbababa naman sa personal income tax.Paliwanag ng Finance Department Assistant Secretary Paola Alvarez, hindi maaapektuhan ang padala ng mga Overseas Filipino Workers o OFW dahil buwis sa serbisyo ng money remittance ang itataas.Ayon kay Alvarez, layunin nilang masingil ang mga nakakalusot sa buwis.Agad ditong umalma ang ilang OFWs dahil tiyak anilang ipapasa ng mga kumpanya ng mga remittance center ang dagdag bayarin sa kanilang consumer.Balak naman ng ilang kongresista sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na harangin ang nasabing panukala.Una nang iminungkahi ng DOF na taasan ang excise tax sa gasolina at iba pang produktong petrolyo at pagbubuwis sa mga bagong sasakyan kasama ang sports utility vehicle na karaniwang ginagamit ng mayayamang tao.Habang isinusulong ng DOF na alisin ang VAT exemptions sa mga kooperatiba na nagbebenta ng raw agricultural products gayundin sa socialized at low cost housing dahil may mga umaabuso dito kung saan bibili sila ng low-cost pero gigibain ito at ginagawang condominiums.
Buwis Sa Service Fee Ng Mga Money Remittance Center Sa Bansa – Planong Taasan Ng Dept. Of Finance
Facebook Comments