Buwis sa sigarilyo, pinatataasan ni Senator Pacquiao

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Manny Pacquiao ang Senate Bill 1599 na nagtataas sa sin tax o ang buwis na ipinapataw sa tobacco products.

Layunin ng panukala ni Pacquiao na madagdagan ang koleksyon ng gobyerno at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan laban sa sakit na hatid ng paninigarilyo.

Giit ni pacquiao, napatunayan na ang Sin Tax Reform Act ay epektibo sa paglimita sa bisyo ng paninigarilyo at pagpapataas sa pondo para pangangalaga sa kalusugan ng publiko.


Kapag naisabatas ang panukala ni Pacquiao ay aabot sa 60 pesos ang kasalukuyang 30-pesos na buwis na ipinapataw sa bawat kaha ng sigarilyo.

Bukod pa ito sa 9% na pagtaas kada-taon sa buwis sa sigarilyo.

Facebook Comments