BUWIS | Tax Reform Bill, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Pasado na sa third and final reading ng senado ang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

17 mga senador ang bomoto pabor sa Tax Reform Bill at tanging si Senator Risa Hontiveros lang ang kumontra.

Sa bersyon ng Senado ay itinaas hanggang 250-thousand pesos ang taunang kita na hindi papatawan ng buwis.


Tinanggalan naman ng buwis ang prescribed medicines habang ibinaba sa 10% ang kasalukuyang 20% tax para sa cosmetic surgery.

Nakapaloob din sa panukala ang pagtataas sa buwis na ipinapataw sa petrolyo, coal o gatong para sa mga planta ng kuryente, sasakyan, documentary stamp tax at matatamis na inumin.

Ayon kay Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara, tinatayang aabot sa 130 billion pesos ang inasaasahang nakokolekta ng gobyerno mula sa mga nabanggit na bagong pagbubuwis.

Facebook Comments