Makati City – Arestado ang labing walong indibidwal sa Barangay Pio del Pilar, Makati City, makaraang magsagawa ng drug buy-bust operation ang Makati police.
Ang mga naarestong suspects ay nasa edad 24 hanggang 50-anyos. Anim sa mga ito ay walang trabaho, ang iba naman ay driver, dispatcher, construction worker at basurero.
Nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito ang 18 plastic sachet ng hinihinalang shabu, limang daang pisong buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Isasailalim sa medical inquest ang mga suspect mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments