BUY BUST | 3 tao, kabilang ang isang aktibong miyembro ng AFP, arestado ng QCPD; Shabu at mga baril, nasamsam sa Quezon City

Quezon City – Arestado ng Quezon City Police District ang tatlo katao kabilang ang isang 2nd lieutenant ng Philippine Army na umanoy tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Mapayapa village Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay QCPD district director PSupt. Guillermo Eleazar, isang linggo ring isinailalim sa surveillance ang grupo ni army 2nd lt. Hamel Samsodin Y Abubacar, 31-anyos.

Kasama rin sa naaresto ang live in partner nito na si Aslimah Aliba at ang runner ni Samsodin na si Mosair Masicuin.


Ang operasyon laban sa grupo ng sundalo ay ikinasa matapos ikanta na source ng shabu si Samsodin ng isang drug suspect na una nang naaresto sa hiwalay na operasyon.

Bukod sa 25 gramo ng droga, kabilang din sa nasamsam ay ang dalawang cal. 45 at isang replica ng m16-armalite rifle, granada at mga bala.

Kinumpirma ng AFP na si tinyente Samsodin ay nasa aktibong serbisyo ng AFP at nakatalaga sa 83rd Infantry battalion ng 9th Infantry Division pa sa Pili, Camarines Norte.

Facebook Comments