BUY-BUST | Dating drug surrender, huli sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Davao

135

Davao City – Arestado ang dating drug surrender sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Isidro Davao City.

Ayon sa pulisya, taong 2016 nang sumuko sa kanila ang suspek, pero muling na-monitor na bumalik ito sa pagbebenta ng droga.


Itinanggi naman ng suspek na nagbebenta siya ng droga at dagdag pa niya na gumagamit lamang siya ng shabu lalo na kung kailangan niyang mag-overtime sa trabaho bilang isang pintor.

Nakuha mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at inaalam narin ng mga otoridad kung sino ang kanyang supplier ng iligal na shabu.

Facebook Comments