BUY-BUST | Drug pusher huli sa Taguig City

Taguig City – Kalaboso ang isang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa North Daang Hari, Taguig City.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Melchor Babon na mas kilala sa alyas na ”Mata” ng arestuhin siya ng mga pulis.

Nabatid kasi na napagbentahan niya ng P500.00 na halaga ng shabu ang isang poseur buyer.


Nakuha mula sa kanya ang buy-bust money, walong sachet ng shabu na tumitimbang ng higit dalawang gramo at isang digital weighing scale.

Facebook Comments