Quezon City – Hindi na nakapalag pa ang dalawang lalaki, kabilang ang isang koreano matapos madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.
Nakilala ang mga naaresto na sina Jeon Taek Sang, ng Busan, South Korea at ang interpreter daw nitong si Bobby Ortilla.
Nakuha sa kanila ang labing limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 habang nasa isang bus stop sa Commonwealth Avenue.
Aminado si Sang na nagbebenta siya ng droga sa mga kapwa Korean National at mga Pinoy rin sa Barangay Old Balara kung saan kumukuha siya ng suplay sa mga casino.
Facebook Comments