BUY-BUST | Lalaki, sawi matapos manlaban sa mga pulis sa Davao

Davao City – Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Sandawa Road, Davao City.

Ayon kay Talomo Police Chief Inspector Ronald Lao, positibong nabilihan ang suspek na si Rico Doldolla ng pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Aniya, imbes na sumuko bigla binunot ni Doldolla ang baril sa kaniyang tagiliran at pinaputukan ang pulis.


Narekober sa lugar ang isang homemade taurus 9-millimeter revolver na may lamang tatlong bala at mga sachet ng shabu na nagkakahalaga P5,000.

Dinala pa si Doldolla sa Southern Philippines Medical Center pero idineklara ring dead on arrival.

Nabatid na dati nang nakulong si Doldolla dahil sa mga kasong illegal drugs, illegal possession of firearms at robbery.

Facebook Comments