BUY-BUST | Lalaki, sawi matapos na manlaban sa Talisay City

Talisay City – Patay ang isang lalaki matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu Provincial Police Office sa Talisay City.

Nakilala ang nasawi na si Parolito Obrero na residente ng Barangay Tangke.

Nanlaban ang suspek sa mga pulis kung saan anak din siya ng isang high-value target at nakatakas sa unang operasyon ng Talisay Police.


Nabatid na talamak pa rin ang bentahan ng droga sa nasabing barangay at ang ibang mga bumibili dito ay galing pa sa ibang probinsya sa Central Visayas.

Facebook Comments