BUY-BUST | Mag-asawang sangkot sa pagbebenta ng mga ilegal na armas, arestado!

Valenzuela City – Arestado sa buy-bust operation ang isang mag-asawang sangkot umano sa gunrunning o ilegal na pagbebenta ng mga armas sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo at Rosemarie Medel, mga residente ng Gapan, Nueva Ecija.

Nakuha sa mga ito ang aabot sa P1.2 milyon halaga ng mga gamit kabilang ang isang machine gun, isang riple, isang handgun at 13,000 piraso ng bala.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung saan nanggagaling ang mga armas na ibinebenta ng mag-asawa.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde, may hawak silang mga pangalan ng mga kontak umano ng mag-asawa, kabilang ang isang retiradong sundalo.

Inaalam din ng pulisya kung nakapagsuplay ng armas at bala ang mga suspek sa mga politiko at teroristang grupo.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Republic Act no. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments