BUY-BUST OPERATION | 13 arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng MPD

Manila, Philippines – Arestado ang nasa labing tatlong indibidwal sa isinagawang anti criminality campaign ng Manila Police District (MPD) kahapon sa iba’t-ibang lugar sa Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Superitnendent Erwin Margarejo ang 13 indibidwal ay naaresto sa Pandacan, Tondo, Sta. Cruz at Sampalok Manila dahil sa pinaigting na kampanya ng MPD kontra sa ilegal na droga.

Karamihan sa mga naaresto ay mga dati nang gumagamit ng shabu at ang iba naman ay mga miyembro ng sigue sigue comando at sputnik gang na nahuli sa isinagawang buy bust operation ng station drug enforcement team ng MPD.


Narekober ng pulisya ang 17 sachet ng pinaghihinalaang shabu, at mark money na ginamit ng MPD sa isinagawang buy bust operation.

Paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang kasong isinampa ng MPD sa Manila prosecutors office laban sa mga suspek.

Facebook Comments