Bulacan – Labing tatlo ang patay habang mahigit isang daan ang arestado sa buong lalawigan ng Bulacan.
Kasunod na rin ito ng anim napung buy-bust operation na ikinasa ng PNP sa siyam na bayan sa probinsya kahapon.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa panlalaban sa mga otoridad.
Nakumpiska naman sa operasyon ang labing siyam na baril at dalawang daan at limampung pakete ng hinihinalang shabu.
Facebook Comments