BUY-BUST OPERATION | 30 pakete ng shabu, nakumpiska sa Barangay Malaya, Quezon City

Quezon City – Nasa 30 pakete ng shabu ang narekober ng mga pulis matapos salakayin ang dalawang bahay sa Barangay Malaya, Quezon City.

Naaresto naman sa operasyon ang mag-amang drug user at babae nilang kapitbahay.

Ikinasa ng QCPD-station Drug Enforcement Unit ang operasyon kasunod ng sumbong ng ilang concerned citizen na ginagawang drug den ang bahay ng mga tatlo.


Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments