BUY-BUST OPERATION | 4 na lalaki, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang apat na lalaki kanina alas dos ng madaling araw sa Pechayan Street, Barangay Pasong Putik, Quezon City dahil sa iligal na droga.

Kinilala ang mga suspect na sina Mark Anthony Faylogna, 30 years old, Nelson Grefiel, 32 years old, Elmer Navarro, 48 years old at Ato Apostol, 20 years old,

Sa drug buy-bust operation na pinangunahan ni Police Senior Inspector John Wayne Verzosa na-recover mula sa mga suspect ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at tatlong daang piso.


Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments