BUY-BUST OPERATION | 5 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 5 milyong piso ang halaga ng 1 kilo ng shabu na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasa nilang drug buy bust operation sa Sampaguita Street, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Quezon City mag aalas tres ngayong hapon.

Arestado ang mga suspect na sina Harijatul J. Arajil 63 anyos, Rowilyn B. Tillo, 33 anyos at Ridzkan Jaffar 17 anyos.

Bukod sa iligal na droga, nasabat rin ng mga awtoridad ang 1 unit ng Toyota Altis, na ginamit ng mga suspect sa pagta-transport ng iligal na droga.


Sa ngayon ay iniimbentaryo pa ang mga nakumpiskang kontrabando, habang sumasailalim na inquest proceeding ang mga suspect.

Facebook Comments