BUY-BUST OPERATION | Anim na tulak ng iligal na droga, arestado sa Lucena City

Lucena City – Arestado ang anim na tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa tatlong barangay sa Lucena City.

Unang naaresto sa barangay isabang ang mga suspek na sina Jeffrey Cana at Apolinario Red na nakuhaan ng 18 plastic sachet ng shabu.

Nadakip naman sa Barangay Barra sina Ernesto Tan, Alvin Buenavista, Arjay Grencio, magkapatid na sina Edward Joseph at Jerico Lacson.


Nakuha mula kina Tan, Bueanvista at magkapatid na Lacson ang nasa walong gramo ng shabu habang anim na plastic sachet naman ang kay Grencio.

Facebook Comments