Marikina City – Puspusan ang ginagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station kung saan nagsagawa ang mga ito ng buy bust operation sa Rosita Street, Barangay Sto. Niño, Marikina City na nagresulta sa dalawang pinaniniwalaang tulak sa ilegal na droga sa kanilang lugar.
Nakilala ang mga naaresto na sina Michael Perez 34 anyos residente ng #27 Sheff Street, Barangay Sto Niño, Marikina City, at Jose Lizardo Jr. 26 anyos residente ng #322 Tres Marias, Caloocan City.
Nabatid na nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis sa mga suspek at nang iaabot na ang mark money na nagkakahalaga ng isang libong piso ay agad na dinakma ng mga pulis ang mga suspek.
Narekober sa dalawa ang siyam na pirasong plastic transparent sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.