BUY-BUST OPERATION | Drug suspect, patay habang kasabwat nito arestado sa Valenzuela City

Valenzuela City – Patay ang isang drug suspek habang arestado naman ang kanyang kasabwat sa ikinasang buy-bust operation sa Malinta, Valenzuela City.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na “Golem” habang ang kasabwat nitong naaresto ay nakilalang si Ranny Manalastas.

Ayon sa Valenzuela City Police, si alyas Golem ang kanilang pangunahing target sa operasyon kung saan nang makabili ng shabu ang poseur buyer ay nakatunog ito kaya pinaputukan ang mga otoridad.


Walang nagawa ang mga pulis kundi gumanti ng putok at nang matamaan si alyas Golem ay isinugod pa ito sa Valenzuela Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Narekober mula sa mga suspek ang 4 na sachet ng shabu at isang kalibre 38 na baril.

Facebook Comments