BUY-BUST OPERATION | Higit P1M halaga ng shabu, nasabat sa labas ng Sto. Domingo Church, Quezon City

Quezon City – Aabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa buy bust operation sa labas ng Sto. Domingo Church, Quezon City.

Sa ulat, nakipagkasundo ang isang pulis sa mga suspek na sina Samim Mapandi at Junari Basher na bibili ng P600,00 na halaga ng shabu.

Nagkasunod sila na magkita sa Quezon Avenue kanto ng Biak na Bato sa labas lamang ng nasabing simbahan kung saan nang matapos ang transaksiyon ay agad na hinuli ang mga suspek na sakay ng SUV.


Iginiit naman ng suspek na si Samim na wala siyang alam na nagtutulak pala ng shabu ang kasama at aksidente lamang daw siyang na-involve sa insidente dahil sinamahan lamang daw niya ito.

Facebook Comments