BUY-BUST OPERATION | Isang drug suspek, patay sa Caloocan City

Caloocan City – Mas ginustong pang lumaban ng isang drug suspek kaysa sumuko sa mga pulis kaya at napatay ito sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay 181, Caloocan City.

Nakilala ang nasawing suspek na si alyas Zak habang nakatakas ang partner nito na si alyas Diablo.

Sa ulat, natunugan ni alyas Zak na pulis pala ang kanilang katransaksyon kaya at agad itong nagpaputok ng baril pero hindi nito tinamaan ang otoridad.


Binigyan pa ng pagkakataon ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na sumuko pero nanlaban pa rin ang mga ito na naging resulta sa pagkamatay ni alyas Zak.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad si alyas Diablo na sinasabing supplier din ng iligal na droga sa buong Camanava area.

Facebook Comments