BUY-BUST OPERATION | Isang lalaki, patay matapos manlaban sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaking tulak ng droga matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Sto. Domingo kanto ng Samat Street sa Quezon City.

Sa ulat, nakahalata ang drug suspek na kinilala lamang sa alyas ‘Joel’ na pulis ang kanyang mga katransaksyon kaya at bumunot ito ng baril saka ito nag paputok.

Gumanti naman ang mga otoridad at napatay ang suspek kung saan narekober sa kaniya ang kalibre .38 na baril at sachet ng shabu.


Facebook Comments