BUY-BUST OPERATION | Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasabat sa magkahiwalay na barangay sa Cebu

Cebu City – Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpisa sa buy bust operation ng Central Intelligence Branch (CIB) at Drug Enforcement Group (DEG) sa Barangay Pasil at Barangay Tejero, Cebu City.

Sa nasabing operasyon, arestado ang suspek na si Ricardo Daan Boot sa Barangay Pasil kung saan nakuha mula sa kanya ang 42 mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P67,260.

Nahuli naman si Mark Abella, residente sa Barangay Tejero at nakuha mula sa kanya ang tinatayang 175 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P2 million.


Ayon sa Deputy Chief ng CIB na si Police Senior Inspector John Escober na 2 hanggang 3 buwan nilang surveillance ang subject bunsod na rin ng kanilang higpit na kampanya ng iligal na droga.

Facebook Comments