BUY BUST OPERATION | P2.5-milyon halaga ng shabu, nasabat sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos na ikasa ang buy bust operation laban sa kanila sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mongcao Basaula Sabino at Saima Diambangan Mipandang.

Ayon sa Special Enforcement Services (SES) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ARMM regional office, naaresto ang dalawa sa parking lot ng isang mall sa Novaliches.


Aabot sa P2.5-milyon ang halaga ng apat na pakete ng shabu ang nakumispa ng mga otoridad kung saan iginiit ng mga suspek na inutusan lang sila na dalhin ang package sa Maynila mula Marawi City.

Facebook Comments