BUY-BUST OPERATION | Pulis-Quezon City na nahuli sa Marikina, pinasisibak na sa serbisyo

Manila, Philippines – Pinasisibak na sa serbisyo ni QCPD Director Guillermo Eleazar ang pulis na nahuli sa buy-bust operation sa Barangay Nangka, Marikina City kanina.

Kinilala ang aktibong pulis na si PO1 Adrian Patrick Pinalas, 29-anyos at nakatalaga sa QCPD District Mobile Force Battalion.

Kasama niyang naaresto sina Christian Gayl Villanueva at Jenalyn De Luna Jeriza.


Nasabat sa kanila ang limang sachet ng shabu at P1,000 marked money.

Samantala, inihahanda na rin ng QCPD ang kasong administratibo laban kay Pinalas habang ni-relieve sa puwesto ang immediate superior niya na si Sr/ Insp. Ramil Dugan.

Facebook Comments