Pigcawayan, North Cotabato – Aabot sa dalawa’t kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA-ARMM sa isinagawang buy-bust operations sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.
Kinilala ni PDEA ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang naarestong si Mohamad Tuankali Macalimpas alias Apis o Mads, 47-anyos, na itinuturing na high value target at pinaghihinalaang miyembro ng MILF na residente ng Sultan Mastura, Maguindanao.
Nakuha mula sa kanya ang isang camouflage uniform ng MILF at identification card.
Kasama ring naaresto ang pamangkin nitong si Samsodin Balolong Kato, 30-anyos, at manugang nitong si Noraida Samaon Alamada, 20-anyos.
Sa kasalukuyan ay nakakulong na sa detention cell ng PDEA ARMM ang mga drug suspect habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.